Tila aminado si Nancy dela Rosa, misis ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na sinamantala raw ng senador ang kaguluhan sa Senado upang makaeskapo siya mula rito.
Sa pamamagitan ng text message na ipinadala ni Nancy kay Senate President Alan Peter Cayetano, ibinahagi niya ang naging rason umano ni Sen. Bato sa paili na umalis na lamang ng Senado.
"It is for this reason, I am sure that Ronald made his ‘escape.’ He told me (na) habang tumatagal kasi siya dyan sa loob (Senate building) ay mas nadadamay pa kayo," ani Nancy sa isang text message na binasa ni SP Cayetano sa media noong Huwebes, Mayo 14, 2026.
Depensa pa ng may bahay ni Bato, wala raw sa plano ang pagtakas ng senador ngunit sinamantala na lang daw niya ito habang nagkakapalitan ng putok sa Senado.
"Wala sa plano but knowing him, I am sure he took the opportunity nu’ng nagkaguluhan at nagkaputukan na," ssad pa ng nasabing liham
Matatandaang noong Miyerkules nang magkaroon ng palitan ng putok ng baril ang panig ng Office of the Sergeant-at-arms (OSAA) at NBI sa kasagsagan ng umano’y operasyon upang maaaresto si Dela Rosa.
Matapos ang insidente, noong Huwebes, Mayo 14 nang nakumpirmang nakaalis na raw ng Senado si Dela Rosa at pinaniniwalaang tinulungan siya ng kapwa Duterte bloc na si Sen. Padilla.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, Sen. Jinggoy, iimbestigahan ng Ombudsman hinggil sa nangyaring gulo sa Senado
Si Dela Rosa ay may kasalukuyang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) bunsod ng kaniyang pagkakaugnay bilang hepe noong ng pulisya sa madugong kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.