May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala
Photo courtesy: Dirole Lotsima Dieudonne/AP via MB


Nagpahayag ng pagkabahala ang World Health Organization (WHO) matapos ang tila “scale and speed” ng Bundibugyo type Ebola outbreak sa bansang Congo, kung saan 134 ang naitalang suspected deaths at 500 naman ang suspected cases.

Ayon sa mga ulat, nauna nang kumalat ang virus at hindi agad na-detect nang ilang linggo—na nagresulta na sa pagkasawi umano ng healthcare workers at ilang “significant population movement.”

Batay pa rito, wala pang “approved” na gamot o bakuna para sa Bundibugyo type.

Gayunpaman, inaasahang makatatanggap ang Congo ng shipments ng “experimental vaccines” mula sa United States (US) at Britain, para sa iba’t ibang kaso ng Ebola.

“We will administer the vaccine and see who develops the diseases,” saad ng ekspertong si Jean-Jacques Muyembe.

Internasyonal

'We're blowing everything away!' Trump, tatapusin na raw giyera sa Iran!

Samantala, base naman sa pinakahuling tala ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, mayroon nang 30 kumpirmadong kaso ng Ebola sa Congo—habang dalawa naman ang sa Uganda.