May 20, 2026

Home BALITA National

CIDG, magrerekomenda ng kaso vs Senate SAA Mao Aplasca!

CIDG, magrerekomenda ng kaso vs Senate SAA Mao Aplasca!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nakatakda raw magrekomenda ng kaso ang Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) laban kay Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca dahil sa naganap na putukan sa Senado noong Mayo 13, 2026. 

Matatandaang nagulantang ang publiko sa umalingawngaw na magkakasunod na putok ng baril sa Senado noong gabi ng Huwebes, Mayo 13, mula sa mga opisyal ng Office of the Sergeant-at-Arms at National Bureau of Investigation (NBI). 

Base sa naging paliwanag nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla at PNP Chief Gen Jose Melencio Nartatez, Jr.,  sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) noong Lunes, Mayo 19, ipinanood nila sa publiko ang CCTV footage kung saan makikita ang pagpapaputok ng isang mahabang baril ni Aplasca. 

Ayon naman sa naging pagkukumpirma ni CIDG director Maj. Gen. Robert Morico II nitong Miyerkules, Mayo 20, kinumpirma niya ang nakatakda raw na pagrerekomenda nila ng kaso laban kay Aplasca na lumabag umano sa Republic Act 11917 o Private Security Services Act. 

Aniya pa, alinsunod sa direktiba sa kanila nina SILG Remulla at PNP Chief Gen. Nartatez ang pagbibigay nila ng kanilang findings sa imbestigasyon at rekomendasyon ng kasong isasampa laban kay Aplasca.

National

Kung sakaling mapatalsik: Sinumang senador, kongresista puwede palitan ang VP—Comelec

“Opo. As directed by the SILG and Chief PNP, we will be transmitting our findings and recomendation sa Department of Justice,” diin niya. 

Pagpapatuloy niya, nasa DOJ na raw ang deisyon kung paano nila muling sisiyasatin ang mga findings na kanilang nabuo sa imbestigasyon.

“It is up to the Department of Justice to reassess po ‘yong findings namin,” pagtatapos pa ni Morico. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag si Aplasca kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Castro, kinudang si Bato lang nakinabang sa gulo sa Senado!

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, 2:30 ng madaling-araw nakaeskapo sa Senado!—PNP