June 13, 2025

Home BALITA

PBBM, labas sa magiging husga ng taumbayan sa Senado—Palasyo

PBBM, labas sa magiging husga ng taumbayan sa Senado—Palasyo
Photo courtesy: Bongbong Marcos, Senate of the Philippines/FB

Siniguro ng Malacañang na hindi makakaabot kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang magiging husga umano ng taumbayan sa nagiging tugon ng Senado sa usapin ng impeachment kay Vice President Sara Duterte.

Sa press briefing nitong Miyerkules, Hunyo 11, 2025, iginiit ni Palace Press Undersecretary Claire Castro na hindi raw kasama si PBBM sa debate ng impeachment kaya’t hindi raw siya magkakaroon ng anumang negatibong epekto sa taumbayan.

“Wala po tayong nakikitang negative impact na mangyayari sa Pangulo dahil hindi po siya kasama sa anumang pagtatagisan ng talino sa debate dito sa Senado,” saad ni Castro.

Dagdag pa niya, labas na raw ang Pangulo kung anuman ang ibabang desisyon ng Senado sa impeachment.

National

Eastern Police District, nakaantabay na sa pagbubukas ng klase sa June 16

“Kung ito man po ay ma-dismiss, sabi nga po natin, taumbayan po ang huhusga sa Senado kung ano po ang ginawa nila during the impeachment trial,” ani Castro.

Matatandaang makailang ulit nang sinabi ng Palasyo na walang balak si PBBM na panghimasukan ang pagsalang ng impeachment ni VP Sara sa Kamara at Senado, bagama’t malinaw ang tindig ni PBBM na ayaw raw niyang magkaroon ng impeachment.

KAUGNAY NA BALITA: 'Wapakels na?' Impeachment kay VP Sara, hinayaan na ni PBBM sa Senado

Samantala, binigyang-diin naman ni Castro na naninindigan si PBBM na dapat masingil ang sinumang politikong may nilabag na pananagutan sa batas.

“Kailangang bigyan ng transparency, accountability sa lahat ng public servants. Hindi lamang po sa usapin ng impeachment trial. So kapag sinabi po ng Pangulo na ‘proseso, dapat sundin ang batas,’ [ay] dapat sundin ang Konstitusyon. ‘Wag paglaruan ang procedure.

Sa kasalukuyan, nananatili sa puder ng Kamara ang articles of impeachment matapos itong ibalik ng Senado alinsunod sa napagkasunduan sa naging botohan ng mga senador noong Martes,Hunyo 10.

KAUGNAY NA BALITA: Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?