May 21, 2026

Home BALITA National

DOE, suportado pagtanggal ng VAT sa kuryente

DOE, suportado pagtanggal ng VAT sa kuryente
Photo courtesy: Sharon S. Garin/FB, MB


Aprub kay Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin ang mga panawagan hinggil sa pagtanggal ng value-added tax (VAT) sa kuryente.

Sa isang pahayag na ibinahagi ni Sec. Garin nitong Martes, Mayo 5, sinabi niyang mandato ng DOE na pababain ang presyo ng kuryente.

“For the Department of Energy (DOE), our primary mandate ay pababain ang presyo ng kuryente,” saad ni Sec. Garin.

Aniya, “Sa katunayan, dahil sa ating mga inisyatibo, naiwasan natin ang pagkakaroon ng pitong-pisong (₱7.00) pagtaas sa presyo ng kuryente.”

“Will VAT removal lower electricity prices? It will. Pero [kailangan] pag-aralan ito [nang] maayos kung ikakabuti ito ng buong bansa,” dagdag pa niya.

Paglilinaw ng kalihim, wala raw sa kamay ng energy department ang pagdedesisyon kaugnay sa VAT, ngunit anila, hindi lang daw ito ang solusyon sa isyu ng presyo ng kuryente.

“Hindi [rin] ang DOE ang magdedesisyon sa VAT removal. Nasa Economic Managers at Kongreso ito dahil may mas malawak na epekto [ito] sa ekonomiya,” anang kalihim.

Aniya, “Pero hindi lang VAT removal ang solution. Habang pinag-aaralan ito, tuloy-tuloy ang trabaho namin para pababain ang gastos sa kuryente sa pamamagitan ng dagdag supply at mas mabilis na renewable energy rollout.”

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Ang bottomline: Gagawin natin kung ano ang tunay na makakatulong sa nakakaraming Pilipino. Gagawin natin ito [nang] responsable at para sa pangmatagalan,” pagtatapos ni Sec. Garin.