May 20, 2026

Home BALITA National

Remulla brothers, puwedeng tumapat kay VP Sara—Sen. Erwin

Remulla brothers, puwedeng tumapat kay VP Sara—Sen. Erwin
Photo courtesy: FILE PHOTO

Idiniin ni Sen. Erwin Tulfo sa publiko na may kakayahan umanong tapatan nina Ombudsman Jesus Boying Remulla at kapatid ng huli na si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla si Vice President Sara Duterte para sa Halalan 2028. 

Nasaad ito ni Sen. Erwin matapos niyang manawagan nitong Martes, Mayo 5, 2026, na alisin na ang kaniyang pangalan at kapatid niyang si Sen. Raffy Tulfo sa mga presidential surveys dahil ayaw na raw nilang putaktihin sila ng mga basher at trolls. 

“Kaya Raffy is also worried last night nang makita ko ‘yong lumabas sa social media kahapon at sinasabi po na tied sila ni VP Sara. Marami na naman pong problema diyan. Papasok na naman po ‘yong mga basher, trolls. Wala naman pong kaplano-plano ‘yong kapatid ko,” saad niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Leave us alone!' Sen. Erwin, nanawagang tantanan sila ni Sen. Raffy sa presidential surveys

Diin ni Sen. Erwin, marami naman daw ang magagaling sa puwersa ng administrasyon, oposisyon, at liberal na maaaring tumakbo bilang Pangulo sa 2028. 

National

Malalakas na bagyong dulot ng habagat, Super El Niño posible sa Hunyo hanggang Agosto!—PAGASA

“Marami naman po diyang magagaling din naman. Sa administration, sa opposition, marami naman pong puwede,” aniya. 

Diin niya, may mga magagaling daw na indibidwal mula sa administrasyon halimbawa nina Ombudsman Boying at DILG Sec. Jonvic na puwedeng lumaban kay VP Sara. 

“Kung lalaban lang naman po kay Sara Duterte, may magagaling naman pong tao sa administrasyon. Ang Remulla brothers po, I think they want to run. Nagpahayag din po si Sec. Jonvic,” ‘ika niya. 

Pagpapatuloy pa niya, nariyan din daw na nag-anunsyo noon si Sen. Risa Hontiveros sa kahandaan nitong tumakbo rin bilang Pangulo. 

Dahil dito, mas maganda raw na magtuon ang mga presidential survey sa mga nabanggit niyang indibidwal sa halip na isama ang kanilang pangalan ng kaniyang kapatid na si Sen. Raffy. 

“Si Sen. Risa Hontiveros, ang Liberal Party… doon po muna kayo mag-concentrate, itong mga surveys po na ito rather sa amin,” pagtatapos pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: 'It's everyone's dream!' SILG Remulla, handa sa tungkulin ng pagiging Pangulo

KAUGNAY NA BALITA: Magdalo, itutulak presidential bid ni Sen. Risa!