May 07, 2026

Home BALITA Eleksyon

Magdalo, itutulak presidential bid ni Sen. Risa!

Magdalo, itutulak presidential bid ni Sen. Risa!
Photo courtesy: Risa Hontiveros (FB)

Isusulong ng grupong Magdalo ang kandidatura ni Sen. Risa Hontiveros sa pagkapangulo sa halalan 2028, ayon kay dating Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Trillanes, dumaan sa pagsusuri ang mga posibleng kandidato bago nila napili ang senador.

“We’ve scrutinized the prospective candidates,” aniya sa mga mamamahayag.

Dagdag pa niya, “As of the moment, the person whom we want to push for the presidency is Senator Risa Hontiveros. She has the qualifications, and she really stands for her principles.”

Lumabas ang pahayag matapos ihayag ni Naga City Mayor Leni Robredo na hindi siya tatakbo sa pambansang posisyon sa 2028 at sa halip ay maghahangad ng panibagong termino bilang alkalde ng Naga City.

Eleksyon

VP Sara, umaasang may presidential election sa 2028

Sa panayam ng isang radio local station nitong Martes, Abril 21, sinabi ni Robredo na sigurado na raw na siya sa kaniyang dessiyong hindi tumakbo sa pambansang posisyon.

“Sigurado na ako sa sarili ko na hindi ako magna-national,” anang alkalde.

Ayon sa kaniya, mas posible umanong kumandidato ulit siyang mayor ng Naga para sa kaniyang ikalawang termino.

KAUGNAY NA BALITA: Final na! Leni Robredo, ‘di tatakbo sa national position sa 2028

Matatandaang natalo si Robredo sa pagkapangulo noong 2022 laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kasalukuyan, si Vice President  Sara Duterte pa lamang ang hayagang nagdeklara ng pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028.

Dumalo si Trillanes sa ikatlong pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng mga reklamong impeachment laban kay Duterte noong Abril 22.