May 21, 2026

Home BALITA Metro

MRT-3, may libreng sakay para sa mga delegado Philippine Dental Association

MRT-3, may libreng sakay para sa mga delegado Philippine Dental Association
Photo courtesy: MB

Magsasagawa ng “libreng sakay” ang Metro Rail Transit (MRT)-3 para sa mga delegado ng Philippine Dental Association (PDA) Annual Convention and Scientific Sessions bilang pagpupugay sa lahat ng dental professional sa bansa. 

Saad ng pamunuang MRT-3, ang nasabing libreng sakay ay aarangkada mula Mayo 11 hanggang 15. 

Kinakailangan lamang ipakita ng mga kalahok ang kanilang delegation ID sa mga station personnel.

Samantala, magaganap ang naturang convention sa SMX Convention Center, Pasay City mula Mayo 11 hanggang 15, sa temang, “PDA : Empowered.”’ 

Ayon sa pahayag ni Dr. Mariusse Chars R. Esquillo, na President-elect at General Chair ng PDA, ang kumbensyon ay magkakaroon ng world-class lectures, interactive workshops, at exhibits, na magpapakita ng mataas na dekalidad na dental care para sa mga Pilipino at ang nagpapatuloy na pag-usad ng dentistry sa bansa. 

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout