June 13, 2025

Home BALITA National

Pagbabalik ng articles of impeachment sa Kamara, pinabasbasan ng holy water!

Pagbabalik ng articles of impeachment sa Kamara, pinabasbasan ng holy water!
Photo courtesy: contributed photo

Nasa puder na muli ng House of Representatives ang articles of impeachment ni Vice President Sara Duterte matapos itong ibalik ng Senado.

Kasama ang Hose Prosecution team ng 19th Congress, binitbit nila ang naturang mga artikulong naglalaman ng impeachment ni VP Sara at saka iniharap sa isang misa upang pabasbasan ng holy water.

Sa misang ikinasa sa worship area ng Kamara nitong Miyerkules, Hunyo 11, 2025, inilatag sa isang mahabang lamesa ang articles of impeachment na niyang nakapuwesto sa harapan katabi ng pari. 

Bago basbasan, ni-lay hands din ng mga nakidalo sa nasabing misa ang kopya ng articles of impeachment upang alayan ng dasal.

National

VP Sara 'hostage' si Sen. Imee, kailangang ibalik sa Pinas si FPRRD

Samantala, sa hiwalay naman na pahayag ni House Prosecutory Rep. Joel Chua nitong Miyerkules pa rin, iginiit niyang ikinalulungkot daw nila ang naturang desisyon ng Senado na ibalik sa kanila ang articles of impeachment na natengga ng apat na buwan.

“Nalulungkot po kami, dahil ito po ay maliwanag na paglabag sa Saligang Batas. Dahil wala naman po sa mandato ng mga senador ang mag-file at magdesisyon sa ganitong mga klaseng motion,” ani Chua.

Matatandaang noong Martes, Hunyo 10 nang napagbotohan ng Senado ang mosyon na nagbabalik sa articles of impeachment sa House of Representatives upang isertipika raw ng Kamara na walang nilalabag ang mga ito sa Konstitusyon.

BASAHIN:  Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?

Noong Pebrero 5 nang tuluyang na-impeach sa Kamara si VP Sara matapos ang pagpirma ng tinatayang 215 mga mambabatas sa ikaapat na impeachment complaint laban sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte