Ikinasal na ang celebrity basketball player na si Kiefer Ravena at dating "Pinoy Big Brother" housemate-beauty queen na si Diana Mackey!
Makikita ang larawan nito sa Instagram stories ni Kiefer kung saan makikitang tila nasa loob ng simbahan sila.
Napakaganda ni Diana sa suot niyang trahe de boda habang si Kiefer naman ay dashing sa suot na white tuxedo.
Noong Marso, ibinahagi ng dalawa na magkaka-baby na sila.
Matatandaang inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement noong Oktubre 2024.
MAKI-BALITA: Kiefer Ravena, Diana Mackey magkaka-baby na!
Congratulations Kiefer at Diana!