Nagbigay ng puna si Senador Alan Peter Cayetano sa mga law school at iba pang academic institution kaugnay sa hindi consistent na tindig ng mga ito sa usapin ng impeachment.
Sa isinagawang plenary session nitong Lunes, Hunyo 9, binanggit ni Cayetano ang paghahain sa Kamara ni Duterte Young Party-list Rep. Ronald Cardema ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
MAKI-BALITA: PBBM, hinainan ng impeachment complaint ng Duterte Youth party-list
“May I advise them to be consistent? Kasi si Congressman Cardema, nag-file ng impeachment laban sa Pangulo, hindi tinanggap sa House, e. Wala naman ako narinig,” saad ni Cayetano.
Matatandaang isa ang University of the Philippines (UP) College of Law sa mga unang nangalampag sa Senado upang ihayag ang kanilang “grave concern” sa napipintong pagbasura sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
MAKI-BALITA: UP College of Law, kinalampag na Senado hinggil sa impeachment vs. VP Sara
Bukod dito, naglabas din ang mga pamantasan tulad ng De La Salle University, Adamson University, San Beda University, at Ateneo De Manila University upang ipanawagan na pagulungin ang naturang paglilitis.
MAKI-BALITA: Ateneo, nangalampag na rin sa Senado hinggil sa impeachment ni VP Sara
MAKI-BALITA: San Beda, Adamson, nanawagan na rin para sa impeachment ni VP Sara
KAUGNAY NA BALITA: DLSU, kinalampag na rin ang Senado para pagulungin paglilitis kay VP Sara