June 07, 2025

Home BALITA Eleksyon

Voter registration para sa BSKE, simula na sa July 1

Voter registration para sa BSKE, simula na sa July 1
(Keith Bacongco / Manila Bulletin)

Magsisimula na sa Hulyo 1 ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Nitong Miyerkules, Hunyo 4, inilabas na ng Comelec ang calendar of activities para sa BSKE sa Disyembre 1. 

Sa naturang calendar of activities, nabanggit na magsisimula voter registration period sa Hulyo 1 hanggang Hulyo 11.

Ang voter registration period ay para sa mga sumusunod:
1. Application for registration (first-time voter)
2. Application for transfer
3. Application for reactivation
4. Application for change of name/correction of entries
5. Application for inclusion/reinstatement
6. Application for transfer from overseas to local
7. Updating of records para sa persons with disabilities, senior citizens, indigenous people at miyembro ng indigenous cultural communities, at iba pang vulnerable sectors. 

Eleksyon

SOCE, ipasa na! — Comelec

Para magparehistro magtungo lamang sa Comelec offices sa inyong lugar mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 AM - 5:00 PM. 

Sino nga ba ang maaaring magparehistro?

- Hindi bababa sa 18 taong gulang sa araw ng National at Local elections.
- Residente ng Pilipinas na hindi bababa sa isang (1) taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto, nang hindi bababa sa anim (6) na buwan bago ang National at Local elections.
- Hindi diniskwalipika ng batas.

Proseso ng pagpaparehistro

- Magpresinta ng valid ID.
- I-interviewhin ng registration staff
- I-fill out ang application form (CEF-1). Maaari rin itong i-download sa www.comelec.gov.ph.
- Iche-check at ive-verify ang na-fill out na application form.
- Kukuhanan ng biometrics.
- Hintayin ang acknowledgement receipt.

BASAHIN: ALAMIN: Proseso ng voter registration at ano ang mga kailangang dalhin