Umaasa si Vice President Sara Duterte na magkakaroon pa rin ng presidential election sa 2028.
Ito'y matapos matanong tungkol sa kaniyang pagtakbo bilang pangulo sa susunod na eleksyon.
“I’m already a presumptive candidate because I declared my intention to run for the next presidential election,” saad ni Duterte sa isang panayam sa kaniya noong Lunes (araw sa The Hague, Netherlands), Mayo 4, 2026.
“We can only pray that there will be a presidential election on 2028, and it will be honest, orderly, and peaceful,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang noong Pebrero 18 nang ideklara ng bise presidente ang opisyal niyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2028.
Ayon sa isinagawang press briefing ni VP Sara, sinabi niyang ilalaan daw niya ang kaniyang buhay, lakas, at “future” o hinaharap para magserbisyo sa bansa sa halip na lumuhod at humingi ng kapatawaran dahil sa pagtulong umano niya noon na mahalal sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Maki-Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!