Kasalukuyang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang low pressure area (LPA) ngayong buwan ng Mayo.
Ayon sa PAGASA, as of 8:00 AM nitong Martes, Mayo 5, huling namataan ang LPA 05a sa layong 1,020 kilometers East of Northeastern Mindanao at mababa ang tsansa nito na maging isang tropical depression o mahinang bagyo sa loob ng susunod na 24 na oras.
Habang ang LPA 05b naman ay nasa labas ng ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa layong 2,595 kilometers East of Northeastern Mindanao at mataas ang posibilidad na maging bagyo.
Kung sakaling maging bagyo ang dalawang bagyo, tatawagin silang "Caloy" at "Domeng," ang ikatlo at ikaapat na bagyo ngayong 2026.
Samantala, base sa weather outlook ng PAGASA simula Mayo 1 hanggang 8, magpapatuloy ang easterlies o mainit na hangin mula sa Karagatang Pasipiko.
Matatandaang dalawang bagyo na ang pumasok sa bansa noong Enero at Pebrero na pinangalanang "Ada" at "Basyang."