June 08, 2025

Home BALITA Probinsya

Aso nakaladkad ng motor sa Pangasinan

Aso nakaladkad ng motor sa Pangasinan
Photo courtesy: Contributed photo

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens ang video kung saan nakaladkad habang nakatali sa motorsiklo ang isang aso sa Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente noong Mayo 31, 2025 ngunit noong Hunyo 3  lamang nang nakumpirma ang pagkakakilanlan ng lalaking nagmaneho ng naturang motorsiklo.

Napag-alamang hindi raw taga-Calasiao ang rider na naispatan sa nasabing lugar. Kumpirmado ring alaga ng rider ang asong nakuhanan sa video.

Depensa raw ng suspek, mabagal lang ang pagpapatakbo niya ng motorsiklo at sa una raw ay nakakasabay pang tumakbo ang kaniyang aso. Hindi raw niya namalayang tuluyan nang nakaladkad ang aso, iginiit niyang isinakay na rin niya ito sa motor matapos siyang sitahin ng isang concerned citizen.

Probinsya

15-anyos, patay sa pagsabog ng isang bagay na napagkamalang gold bar!

Wala namang naitalang sugat at pinsala sa katawan ng aso habang pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng reklamong paglabag sa Animal Welfare Act laban sa lalaki.