June 06, 2025

Home BALITA Politics

Guanzon, sa ina lang ni VP Sara bilib

Guanzon, sa ina lang ni VP Sara bilib
Photo Courtesy: Rowena Guanzon, Sara Duterte (FB)

Muling pinuri ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang ina ni Vice President Sara Duterte na si Elizabeth Zimmerman.

Sa Facebook post ni Guanzon nitong Linggo, Hunyo 1, sinabi niya ang dahilan ng paghanga sa ina ng bise-presidente.

“Sa totoo lang at sinasabi ko noon pa, sa nanay lang talaga ako pinakabilib,” saad ni Guanzon.

Dagdag pa niya, “Dumating sa rurok ng kapangyarihan pero ni minsan hindi mo narinig o nakitaan ng kahit ano, tahimik lang na nasa likod palagi.”

Politics

Reso ni Bato para ibasura paglilitis kay VP Sara, ‘walang sense’ —Lacson

Matatandaang pinuri na rin ni Guanzon si Zimmerman noong Marso 2023 dahil mas pinili umano nito ang tahimik at simpleng buhay sa halip gumawa ng pera habang nasa posisyon ang dating asawang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.