June 07, 2025

Home SHOWBIZ

Bitoy, nagbabala sa pekeng patalastas niyang kumakalat

Bitoy, nagbabala sa pekeng patalastas niyang kumakalat
Photo Courtesy: Michael V. (FB)

Nagbigay ng babala si comedy genius Michael V. o kilala rin bilang si Bitoy hinggil sa pekeng patalastas niyang kumakalat sa social media.

Sa latest Facebook reels ni Bitoy noong Sabado, Mayo 31, mapapanood ang pekeng patalastas na ginawa gamit ang artificial intelligence (AI) kung saan pino-promote ang isang produktong makakapagpabilis ng internet connection.

“MAGING ALISTO. HUWAG MAGPA-LOKO. Ang Artificial Intelligence (A.I.), masyado nang tumatalino,” saad ni Bitoy.

Kaya paalala niya, “Dapat matuto tayong maging mapanuri kung ang pinapanood o binabasa ay fake o totoo.”

Tsika at Intriga

Cebu beauty queen, itinuturong nanay ng anak, bagong partner ni Tom Rodriguez

Ayon kay Bitoy, ginamit umano ng mga nasa likod ng pekeng patalastas ang AI upang pag-aralan at gayahin ang totoo niyang boses. Bumuo rin sila ng script upang i-lip sync ng mouth animation.