May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

BINI, nagpasalamat sa pagkilala ng Kamara; pic kasama sina HS Bojie, Rep. Sandro usap-usapan

BINI, nagpasalamat sa pagkilala ng Kamara; pic kasama sina HS Bojie, Rep. Sandro usap-usapan
Photo courtesy: BINI (FB)

Nagpahayag ng pasasalamat ang Nation's girl group na BINI matapos silang kilalanin ng House of Representatives sa pamamagitan ng House Resolution No. 1001, dahil sa makasaysayan nilang performance sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026 noong Abril.

“A resolution commending and congratulating the Pinoy Pop (P-Pop) Girl Group, BINI, for making history as the first Filipino pop group to perform at the Coachella Valley Music and Arts Festival 2026, and recognizing their contribution to the global promotion of Filipino talent and culture,” saad sa nasabing resolusyon.

Personal ding iniabot ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kopya ng resolusyon sa mga miyembro ng BINI, na kumpletong dumalo sa Kamara.

Maki-Balita: BINI, kinilala ng Kamara sa kanilang Coachella performance

Sa kanilang opisyal na pahayag, sinabi ng grupo na malaking karangalan para sa kanila ang naturang pagkilala at inialay nila ito sa lahat ng Pilipinong patuloy na sumusuporta sa Original Pilipino Music (OPM) at sa talento ng mga Pinoy.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“It is truly an honor to be recognized through House Resolution No. 1001. We share this milestone with every Filipino who continues to believe and support OPM and Filipino talent,” saad ng BINI sa opisyal na Facebook page.

Nagpasalamat din ang grupo sa kanilang mga tagahanga at supporters sa pamamagitan ng kanilang sikat na linya na “2, 3, maraming salamat po!”

Kalakip ng kanilang mensahe ang hashtags na “#BINI,” “#BINI_Coachella,” at “#BINIParangalSaKongreso.”

Nagkaroon din sila ng photo opportunity kasama sina HS Bojie, ang author ng resolusyon na si Rep. Javi Benitez, at Ilocos Norte 1st District Rep. at House Majority Leader Sandro Marcos.

Usap-usapan naman ng mga netizen ang larawan nina BINI Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Sheena kasama sina HS Bojie at Rep. Sandro.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"I saw what you did there, Jho"

"Jho: Ate Colet, hold it together. Kalma ka. Picture lang saglit."

"very professional kahit halatang jirita. HAHAHA love it!"

"the face says it all HAHAHHAHA"

"A picture that speaks, no caption needed HAHAHAHHA"

Samantala, ang pagkilala ng Kamara sa BINI ay isa pang patunay ng lumalawak na impluwensiya ng grupo hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa international music scene, lalo na matapos ang kanilang mga matagumpay na performances at lumalaking global fanbase.

Bago pa man ang pagkilala ng House, nauna na rin silang kilalanin at parangalan ng Senado.

Maki-Balita: BINI, kinilala ng Senado matapos ang makasaysayang pagtatanghal sa Coachella

Patuloy namang ipinagmamalaki ng kanilang mga tagahanga ang mga natatamong tagumpay ng grupo bilang isa sa nangungunang P-pop acts sa kasalukuyan.