Binigyang-parangal at pagkilala ang “Nations Girl Group” BINI sa Kamara ngayong Lunes, Mayo 18, para sa kanilang naging Coachella Valley Music and Arts Festival 2026 noong Abril.
Kasunod ito ng filing ng House Resolution 1001 na kumikilala sa BINI bilang kauna-unahang Pinoy act sa Coachella at global promotion ng kultura at talentong Pinoy sa global stage.
“A resolution commending and congratulating the Pinoy Pop (P-Pop) Girl Group, BINI, for making history as the first Filipino pop group to perform at the Coachella Valley Music and Arts Festival 2026, and recognizing their contribution to the global promotion of Filipino talent and culture,” saad sa nasabing resolusyon.
Personal ding iniabot ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kopya ng resolusyon sa mga miyembro ng BINI, na kumpletong dumalo sa Kamara.
Samantala, pormal ding kinilala sa Senado BINI noong Mayo 6, kasama ang kanilang manager na si Direk Laurenti Dyogi ng Star Magic, na talent management arm ng ABS-CBN.
MAKI-BALITA: BINI, kinilala ng Senado matapos ang makasaysayang pagtatanghal sa Coachella
KAUGNAY NA BALITA: 'Why not? Let's do it!' Sen. Bam, pabor maging ambassador for tourism ang BINI