June 08, 2025

Home BALITA National

VP Sara, 'tikom ang bibig' sa reconciliation kay PBBM

VP Sara, 'tikom ang bibig' sa reconciliation kay PBBM
Photo courtesy: via PCO

Tumangging magkomento si Vice President Sara Duterte hinggil sa usapin ng "reconciliation" kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Sa panayam kay VP Sara ng kanilang mga tagasuporta sa The Hague, Netherlands noong Biyernes, Mayo 30, 2025, iginiit ng Pangalawang Pangulo na hindi raw muna siya magkokomento sa pakikipagkasundo kay PBBM.

“Hindi na muna ako magsalita about reconciliation,” ani VP Sara.

Depensa pa niya, may mas mahalaga raw na dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa mga personal na problema. “Dahil hindi naman siguro mahalaga ang mga personal na problema ng mga tao. Ang mas mahalaga is yung taumbayan at yung bayan natin,” aniya. 

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Matatandaang inihayag ni PBBM sa kaniyang podcast na bukas daw siyang makipagkasundo sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa politika. 

“Mr. President, kayo po ba sa puso ninyo, gusto n'yo po bang makipagkasundo pa sa mga Duterte?" tanong ni Anthony Taberna sa naturang podcast episode.

“Oo. Ayoko ng gulo. Gusto ko makasundo lahat ng tao. Marami na akong kaaway, hindi ko kailangan ng kaaway, kailangan ko ng kaibigan,” anang Pangulo. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, bukas na makipagkasundo sa mga Duterte: 'Ayoko ng gulo'

Samantala, nauna na ring linawin ng Palasyo na ang pakikipagkasundo raw na tinutukoy ng Pangulo ay hindi lamang nakasentro sa mga Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Palasyo, may nilinaw sa 'reconciliation' remark ni PBBM: 'Wag lamang mag-focus sa mga Duterte'