May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking nakiusap na hinaan ang speaker sa inuman, patay sa saksak!

Lalaking nakiusap na hinaan ang speaker sa inuman, patay sa saksak!
Photo courtesy:Unsplash

Patay ang isang construction worker matapos umano itong pagsasaksakin ng kaniyang foreman dahil lamang sa isyu sa malakas na speaker habang nag-iinuman sa Silang, Cavite.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Noel,” 46-anyos at residente ng Barangay Iba, Silang, habang ang suspek naman ay si alyas “Simeon,” na kaniyang foreman at residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente bandang 9:30 ng gabi sa harap ng barracks ng mga construction worker kung saan nag-iinuman ang biktima, suspek, at ilan pa nilang kasamahan sa trabaho.

Ayon sa imbestigasyon, nakaramdam umano ng pagkalasing ang biktima kaya nagpaalam na itong matutulog. Bago pumasok sa kuwarto, nakiusap umano si Noel na hinaan ang volume ng speaker upang hindi maabala sa kaniyang pagpapahinga.

Gayunman, sinundan umano siya ng suspek sa loob ng barracks hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Tinangka pa umanong umawat ng ilan nilang kasamahan ngunit bigla na lamang umanong inundayan ng saksak ng suspek ang biktima gamit ang ice pick.

Nagtamo ng mga sugat sa kaliwang braso, tuhod, at dibdib ang biktima. Isinugod pa siya sa Estrella Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.