Inihayag ni Senator Imee Marcos kung gaano raw kaswerte si Vice President Sara Duterte sa nakababata nitong kapatid na si Davao City Mayor Baste Duterte.
Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Sabado, Mayo 31, makikita ang larawan nila ni Baste na magkasama at kumakampay.
“Napakaswerte ni Inday Sara sa kanyang nakababatang-kapatid,” saad ni Sen. Imee.
Dagdag pa niya, “Maraming nangyari, nagawa at nasabi pero kahit kailan, hindi ako nagduda na sa dulo, kapag tunay ka sa iyong paniniwala at paninindigan— makikita at mararamdaman ng iyong kapwa ang totoong laman ng iyong puso.”
Matatandaang sa isang panayam noong Marso ay inamin ni Sen. Imee na matagal na umano silang hindi nag-uusap ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
MAKI-BALITA: Sen. Imee, 'di na nakakausap si PBBM: 'Maraming nakapaligid sa kaniya na humaharang'
Bukod dito, ilang araw bago matapos ang kampanya para sa 2025 midterm elections, kumalas ang senadora sa slate ng pangulo kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kaso nitong “krimen laban sa sangkatauhan.”