May 21, 2026

Home BALITA Politics

Duterte block sa Senado, 'di raw tututol sa pag-convene ng impeachment court—Sen. Go

Pinabulaanan ni Sen. Christopher "Bong" Go na  wala umanong pagtatangka ang Senate minority bloc na binubuo ng Duterte allies, na harangin kung sakaling mag-convene ang Senado bilang impeachment court.

Sa ambush interview ng media kay Go nitong Lunes, Mayo 11, 2025, tahasan niyang iginiit na wala raw naging pag-uusap ang kanilang paksyon hinggil sa pagharang sa impeachment court.

"Wala pong ganoong usapan at hindi po kami nag-uusap na maghaharang po ng convening," ani Go sa media.

Matatandaang umuugong noong mga nakaraang araw ang isyu ng tila pagbabalak umano ng Duterte block na harangin ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte kung sakaling tuluyan itong umakyat sa Senado.

Kaugnay nito, umingay din ang usap-usapang palitan muli ng liderato sa Senado upang tuluyan umanong maipigilan ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Nitong Lunes, inaasahang mapagdedebatihan at mapagbobotohan na ng plenaryo ng House of Representatives ang impeachment kay VP Sara kung saan kinakailangang makakuha ng ⅓ na bilang o katumbas ng 106 na boto para tuluyang ma-impeach mula sa Kamara ang Bise Presidente.

Noong Pebrero 5, 2025 na-impeach si VP Sara sa Kamara sa botong 205.