June 05, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, proud dad sa anak niyang magdodoktor

Ogie Diaz, proud dad sa anak niyang magdodoktor
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB)

Ibinida ni showbiz insider Ogie Diaz ang isa sa mga anak niyang nakapagtapos bilang doktor.

Sa latest Facebook post ni Ogie nitong Sabado, Mayo 31,sinabi ni Ogie na bata pa lang umano si Godhie ay nakitaan na niya ng potensyal.

Aniya, “3 years old pa lang, makarinig lang siya ng favorite song ng mama niya, ang bilis niyang makabisado.  Kahit nga yung kanta ni Madonna, kabisado pa niya ang choreography sa bawat kanta habang patalon-talon ng lipat sa sofa ang batang ito na ang talas ng memorya.” 

Kaya naisip umano niyang mukhang magiging doktor o abogado ang anak niya dahil kinakailangan ng matalas na memorya sa gano’ng klaseng trabaho.

Events

Judy Ann Santos, kinilala ng Senado dahil sa Best Actress award

“So eto na ngayon ang aking 21yo daughter na sobra akong proud na proud dahil siya mismo ang may pangarap na maging isang doktor,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Hindi ipinilit, hindi rin inuto. Gusto niya talagang maging ob-gynecologist, dahil na rin sa pag-engganyo ng ninang niyang ob-gynecologist na si Dr. Cecille I. Perez na siya ring unang nakakita sa kanya nung nanganak ang mama niya sa kanya.”

Bukod dito, natuwa rin ang showbiz insider dahil ang jowa ni Godhie ay kaklase nito at gusto ring magdoktor.

Sa huli, sinabi ni Ogie ang lagi niyang paalala sa anak na maghinay-hinay sa pag-aaral dahil hindi naman niya pine-pressure ito.

Biro nga niya, “Tandaan mo, ang pangarap mo ay maging doktor, hindi maging pasyente.”