Isiniwalat ni award-winning director Antoinette Jadaone ang nasaksihan niya sa dating magka-loveteam at magkarelasyong sina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Matatandaang si Antoinette ang nagdirek sa isang pelikulang pinagbidahan ng dalawa na pinamagatang “Love You to the Stars and Back.”
Sa latest episode ng “Ang Walang Kwentang Podcast” kamakailan, sinabi ni Antoinette na dinadala umano nina Joshua at Julia ang away sa set ng pelikula.
Kasagsagan ng loveteam, kasagsagan ng pag-ibig nila. Ako nagdidirek lang, gusto ko lang namang gumawa ng pelikula. So parang dinadala talaga nila sa set [‘yong away],” lahad ni Antoinette.
Dagdag pa niya, “Kapag nag-aaway sila, dinadamay n’yo talaga ‘yong pelikula ko sa mga LQ n’yo.”
Ngunit kapag masaya naman daw ang dalawa, masaya rin naman daw si Antoinette.
Matatandaang nagkahiwalay sina Joshua at Julia Barretto noong 2019. Pero maayos naman daw ang pakikitungo nila sa isa’t isa pagkatapos ng breakup.
In fact, nagkaroon pa nga ng pelikula ang dalawa ilang taon makalipas ang kanilang breakup. Suportado pa nga sila ng kani-kanilang partner.
Pero bago pa man ang kanilang movie comeback na “Unhappy For You,” nauna nang magbalik-tambalan sina Joshua at Julia sa music video ng kantang “Paubaya” ni Moira noong 2021.
Kaugnay na Balita: Joshua Garcia, 'di kayang bumalik sa pelikula nang wala si Julia Barretto