June 05, 2025

Home BALITA Politics

Sen. Jinggoy, inalmahan si De Lima; naniniwala daw sa tsismis?

Sen. Jinggoy, inalmahan si De Lima; naniniwala daw sa tsismis?
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Pumalag si Sen. Jinggoy Estrada sa naging reaksyon ni Congresswoman-elect Leila de Lima hinggil sa umano’y bali-balitang hindi na raw uusad ang nakabinbing impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Sa pahayag ni Estrada nitong Biyernes, Mayo 30, 2025, iginiit niyang tanging tsismis lang daw ang pinaniniwalaan ni De Lima.

“Na-grandstanding lang ‘yan [Leila de Lima] naniniwala na lang lagi siya sa tsismis and we are not going to abandon our constitutional duty to hear the impeachment case against the Vice President,” ani Jinggoy.

Matatandaang naglabas ng video message si De Lima matapos kumpirmahin ng Senado na ipagpapaliban nila pagsisimula ng paggulong ng impeachment ni VP Sara. Ayon kay De Lima, malinaw na nakaambang abandonahin lamang ang naturang trial ng Pangalawang Pangulo.

Politics

Heidi Mendoza, nalulungkot na binabahiran ng away politika ang confidential funds

“May mga bulong, na hindi na raw uusad ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. ‘Dead on arrival daw. Kulang daw sa boto. Tapos na bago pa magsimula.’ Maging ang Pangulo, ninanais na ipakita na wala siyang kinalaman o kagustuhan dito,” ani De Lima.

Dagdag pa niya, “To abandon the process is to abandon the people, who still believe in the promise of justice.”

KAUGNAY NA BALITA: Impeachment ni VP Sara, 'dead on arrival' daw sa Senado? De Lima, pumalag!

Depensa naman ni Estrada, uunahin lamang daw nila ang mga batas na kailangan nilang ipasa bago magtapos ang 19th Congress.

“The passage of the priority bills should take precedence as asserted by Senate President Chiz Escudero as sine die adjournment marks the official end of our regular session,” anang Senador.

Nilinaw din niya na ninanais din umano ng Senado na mabuksan at matuloy ang impeachment trial kay VP Sara bilang parte raw ng kanilang constitutional duty.

“Hindi naman as long as we are really bound to hear the impeachment case against VP Sara Duterte. It is our constitutional duty to hear it,” aniya.

Noong Huwebes din nang ianunsyo ng Senado na ililipat na sa Hunyo 11 mula sa orihinal na plano sa Hunyo 2 ang nakatakdang pagbasa sa articles of impeachment laban kay VP Sara.