Kabilang ang Manila sa lugar na lalapagan ni Hollywood actor David Corenswet na gaganap sa titular character ng pelikula kasama ang iba pang “Superman” cast bilang bahagi ng kanilang world tour.
Sa inilabas na video announce ng Warner Bros. Picture nitong Biyernes, Mayo 30, inisa-isa nila ang mga siyudad na pupuntahan nila sa pitong bansa. Kauna-unahan dito ang Manila.
Manila - Hunyo 19
Rio De Janeiro - Hunyo 23
London - Hulyo 2
Paris - Hulyo 4
Los Angeles - Hulyo 7
New York - Hulyo 9
Beijing - Hulyo 10
"We're coming to cities all over the world for the Superman Global Tour. I will see you soon,” saad ni David sa video.
Idinirek ni James Gunn ang pinakabagong Superman film na mapapanood na sa Hulyo 9.