May 26, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kim Rodriguez, fresh daw dahil 'alagang' Gov. Daniel Fernando?

Kim Rodriguez, fresh daw dahil 'alagang' Gov. Daniel Fernando?
Photo courtesy: Screenshot from Kim Rodriguez (TikTok)/via Reddit

Iniintriga ng mga netizen ang aktres na si Kim Rodriguez kay re-elected Bulacan Governor Daniel Fernando matapos kumalat ang mga larawan nila together.

Sa nabanggit na larawan ay makikitang may hawak na bouquet of flowers si Kim katabi ang gobernador ng Bulacan.

Mapapansin namang tila nakaakbay nang bahagya si Gov. Daniel kay Kim kung saan makikitang nakadantay ang kamay ng gobernador sa kanang balikat ng aktres.

Sa likod nila ay makikita naman ang isang dilaw na luxury car.

Tsika at Intriga

Lagot! Mga kaibigan ng 'palamuning asawa' ni Meiko, idadamay niya

Hindi naman sigurado kung kailan kuha ang nabanggit na larawan, at kung bakit magkasama sila, subalit pinag-uusapan na nga ito sa social media, partikular sa social media platform na "Reddit." Pero ang mas nakakaloka, ang caption at post tungkol dito. 

Photo courtesy: Reddit
Photo courtesy: Reddit
Photo courtesy: via Reddit

Tanong ngayon ng mga netizen ay kung anong mayroon sa kanilang dalawa, at kung totoo raw bang milyones ang umano'y natatanggap na ayuda ni Kim sa nabanggit na public servant.

Sa TikTok videos naman ni Kim ay tila binuska siya ng mga netizen subalit hindi naman ito pinatulan ng aktres at pasimpleng binara lamang.

"Dedma sa basher basta may daniel fernando," sey ng isang netizen.

Pero simpleng tugon dito ng aktres, "Pikit "

"fresh naman. iba talaga alagang Gov Daniel," urot pa ng isang netizen.

Tugon naman dito ni Rodriguez, "Taray ng username mo @alwaysbekindtoothers."

Obviously, hindi direktang sinagot at pinatulan ni Kim Rodriguez ang mga patutsada ng netizens patungkol dito at hindi siya pikon. 

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag tungkol dito si Gov. Fernando, o maging ang talent manager ni Kim na si Ogie Diaz. Bukas naman ang Balita sa kanilang panig.