Kinumpirma ng aktres na si Nadia Montenegro na kasalukuyang nasa pangangalaga ni Baron Geisler ang anak nilang si Sophia.
Sa latest episode ng vlog ni Karen Davila kamakailan, sinabi ni Nadia na noong Pebrero pa raw nasa poder ni Baron si Sophia para sa pag-aaral nito sa kolehiyo.
“These last few months have been very good for us. Actually, Sophia is with him since February and they’re fixing the school for college,” saad ni Nadia.
Dagdag pa niya, “They’re going to enroll soon together. So things are working out naman.”
Matatandaang bago pa man ito ay nauna nang naispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol dito.
“Mayro’n lang nagparating sa akin na ‘yong anak ni Baron kay Nadia Montenegro ay na kay Baron Geisler na raw,” saad ni Ogie sa kaniyang showbiz-oriented vlog noong Marso.
MAKI-BALITA: Anak ni Nadia kay Baron, nasa poder na niya?