May 21, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bago tuluyang maghiwalay: DonBelle, nagpasalamat sa isa't isa

Bago tuluyang maghiwalay: DonBelle, nagpasalamat sa isa't isa
Photo Courtesy: Donny Pangilinan (FB)

Nagbigay ng mensahe sa isa’t isa ang Kapamilya stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano bago nila pansamantalang tuldukan ang kanilang loveteam.

Sa ginanap na media conference para sa upcoming film nilang “Tayo sa Wakas” kamakailan, pinasalamatan ni Donny si Belle.

“I am so grateful and so blessed I got to spend these last years with you. I would not have it any other day. Thank you,” saad ni Donny.

Sabi naman ni Belle, “I just want to say, thank you so much. I just want to say thank you so much for the journey. For just being there, for the support.” 

Bukod dito, inihayag din ng dalawa kung gaano sila ka-proud sa narating ng isa’t isa.

Relasyon at Hiwalayan

Endgame unlocked! Cristine Reyes, Gio Tingson engaged na

“If they ask anyone here,” ani Donnny, “I have really seen you grow since we met. I will always look up to you figuratively.”

“I respect you so much. Ngayon pa lang malayo ka na, pero malayo ka pa. I am so proud of the man you are now,” segunda ni Belle.

Matatandaang sa isang episode ng “Paano Ba ‘To” ni Bianca Gonzalez noong Abril 27, sinabi ni Donny na napagpasyahan daw nila ni Belle na ang upcoming film nilang “Tayo sa Wakas” ang magiging hudyat ng kanilang paghihiwalay bilang mag-on-screen partner.

Maki-Balita: DonBelle, maghihiwalay muna!

Gayunman, tiniyak ni Donny na magiging kaagapay pa rin siya ni Belle kahit hindi na sila muling magtambal sa mga susunod pang proyekto sa hinaharap.