Nagmensahe si Vice President Sara Duterte para sa lahat ng mga Pilipinong sumusuporta pa rin sa kaniya at sa pamilya ng mga Duterte mula noon hanggang sa kasalukuyan.
Ayon sa inupload na video ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate sa kaniyang YouTube channel sa panayam niya kay VP Sara noong Lunes (araw sa The Hague, Netherlands), Mayo 4, 2026, sinabi ng Bise na nanggagaling na lang daw ang lakas niya mula sa suporta ng publiko.
“Ako, personally, ‘yong lakas ko lang talaga [ay] galing sa mga tao,” pagsisimula niya.
Ani VP Sara, tila naniniwala raw siyang hindi siya iniwan ng taumbayan kahit na iwanan siya ng kaniyang mga kaibigan sa politika.
“Sa totoo lang, iniwan na siguro ako ng lahat ng mga kaibigan kong politiko pero hindi ako iniwan ng mga kababayan natin,” aniya.
Nang matanong naman tungkol sa pagtakbo bilang Pangulo sa 2028, iginiit ni VP Sara na umaasa lang siyang matuloy ang pagtakbo niya sa mataas na puwesto at maging mapayapa ang magaganap na halalan.
“I’m already a presumptive candidate because I declared my intention to run for the next presidential election,” saad niya.
“We can only pray that there will be a presidential election in 2028 and it will be honest, orderly, and peaceful,” pagtatapos pa niya.
Samantala ayon sa mga huling ulat noong Lunes, inaprubahan na ng House Committee on Justice sa botong 55-0 ang pagsusulong ng reports at articles ng impeachment laban kay VP Sara sa House plenary.
Kaugnay ito ng mga natagpuan nila sa mga umano’y alegasyong paglabag ng BIse sa public trust, graft, at iba pang mga kaso.
Sa House plenary, kinakailangang makakuha ng one-third na boto mula sa mga kongresista ang naturang impeachment case laban sa Bise bago ito tuluyang umakyat sa Senado.
KAUGNAY NA BALITA: Senado, may budget na ₱27M sa impeachment trial vs VP Sara—Sen. Lacson
KAUGNAY NA BALITA: Rep. Diokno, sinagot kung bakit mahalaga ang impeachment sa gitna ng problema