May 24, 2025

Home SHOWBIZ

Alden Richards, sumadsad sa ‘rock bottom’ ang mental health

Alden Richards, sumadsad sa ‘rock bottom’ ang mental health
Photo Courtesy: Alden Richards (FB)

Ibinahagi ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang pinakamalaking dagok na dumating sa buhay niya noong nakaraang taon.

Sa ulat ng GMA Entertainment nitong Biyernes, Mayo 23, sinabi ni Alden na sumadsad umano siya sa lowest point ng kaniyang buhay.

"I think last year was my lowest year, rock bottom. It took me six months to get over that,” saad ni Alden.

Dagdag pa niya, ”Hindi naman siya clinically diagnosed but that was depression at its finest. That was depression. Ang galing nga, e. Hindi lang halata."

Relasyon at Hiwalayan

Nadia, kinumpirmang nasa poder na ni Baron ang anak nila

Dumating din daw sa punto na kinuwestiyon ng aktor ang pagiging mapagbigay niya sa ibang tao.

Aniya, “We always go out of our way to help other people? Tulong, tulong, bigay, bigay. Ang nangyari, paglingon ko doon sa timba ko, wala na palang natira sa akin and that broke [me] into a million pieces.”

Kaya sa ngayon, tututukan at uunahin daw muna ni Alden ang sarili higit sa kanino o ano man.