May 21, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Dolly De Leon, kabilang sa Avatar: The Last Airbender Season 2 cast

Dolly De Leon, kabilang sa Avatar: The Last Airbender Season 2 cast
Photo courtesy: Dolly De Leon (IG)/Netflix (X)

Nagbunyi ang mga Pinoy netizen sa balitang kasama ang Pinay actress na si Dolly De Leon sa "Avatar: The Last Airbender Season 2" na ipalalabas ng Netflix.

Batay sa anunsyo ng nabanggit na online streaming platform, gaganap si Dolly bilang "Lo and Li."

Photo courtesy: Netflix (X)
Photo courtesy: Netflix (X)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ano kayo ngayon dyan? Sumakses na sya. Congratulations!"

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

"Booked and busy talaga si Madam. We love that for her!"

"Ang taray ni Tita Dolly!!! Go, go, go! Sinwerte din eto sa agent niya malamang."

"Ang bongga ni madam! Kaya wag mawalan ng pag asa yung may edad na baka your prime is coming soon.

Kamakailan lamang ay napabilang din si Dolly sa Hollywood series na "Nine Perfect Strangers" at nakasama pa ang aktres na si Nicole Kidman.