May 19, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Solenn Heussaff, nagka-black eye dahil sa head butt ng anak

Solenn Heussaff, nagka-black eye dahil sa head butt ng anak
Photo courtesy: Solenn Heussaff (IG)

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Solenn Heussaff na nagkaroon siya ng "black eye" sa kanang mata, matapos siyang aksidenteng ma-head butt ng anak nila ni Nico Bolzico na si "Maelys."

Ayon sa Instagram story ni Solenn, nangyari ito noong Mother's Day na aksidente lang naman habang sila ay natutulog.

Inunahan na agad ni Solenn ang paliwanag bago pa ito bigyan ng malisya ng mga netizen.

Mababasa sa caption ng kaniyang Instagram story, "To those asking, no biggie."

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

“This was a Mother’s Day gift by Maelys. Haha. Accident head butt while sleeping.”

“Next time I’ll sleep with a helmet," aniya pa.

Sa pagdaan ng mga araw ay tila nawala na rin naman ang pamamaga ng talukap ng mata ni Solenn, na mapapanood sa "Sang'gre: Encantadia Chronicles" ng GMA Network.