Napa-'Wow!" na lamang si Parokya ni Edgar band lead vocalist Chito Miranda para kay Atty. Kiko Pangilinan matapos pumwesto sa 5th spot sa partial and unofficial election result ng senatorial race ng Commission on Elections (Comelec).
Isa si Chito sa mga celebrity na dumalo sa campaign sorties ni Kiko at nag-endorso na rin para sa kaniya.
"Wow."
"Yun talaga yung perfect word for it," mababasa sa Facebook post ng singer.
"Sobrang galing nyo lahat."
"Ang tindi nung laban na yun...pero nilabanan nyo ng matindi."
"Yung tagumpay ninyo ay tagumpay nating lahat."
"Maraming salamat."
"Sarap sa puso." aniya pa.
Si Chito ay related kay Atty. Kiko dahil sila ay magtiyuhin.