May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Mga nanalong senador, target maiproklama ng Comelec sa weekend

Mga nanalong senador, target maiproklama ng Comelec sa weekend
Photo courtesy: Screenshot from Comelec (FB)

Target ng Commission on Elections (Comelec) na maiproklama na ang 12 winning senators para sa Eleksyon 2025 sa weekend o pagtatapos ng linggong ito.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, maaaring sa Sabado, Mayo 17, o sa Linggo, Mayo 18, ay maisagawa aniya nila ang proklamasyon.

“Baka itong Sabado o Linggo, sana makapag-proklama na tayo ng senador,” aniya pa. “Mabilis naman eh. Tingnan niyo 98.9% na nga ang nandyan, kapiraso na lang ang kulang. Kahit siguro wala yung kulang basta maipadala sa amin sa national board perhaps baka wala ng effect ang natitirang results. Pero syempre kailangan ang Comelec 100% ang canvass. Walang kahit isa man na COC ang maiiwan pag nag-canvass ang Comelec.”

“Yes. Sana. Kung papasok lahat ngayon,” sagot pa niya, nang matanong ng mga mamamahayag kung ang Mayo 17 ba ang pinakamaagang petsa na target ng Comelec na makapag-proklama.

Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya

Hanggang nitong Martes ng tanghali, nasa 98.99% na ang ang nai-transmit na local election returns (ERs) sa Comelec transparency servers. Ito ay 92,453 ng 93,387 na inaasahang total ERs.

Nitong Martes ng hapon ay muli na rin namang nag-reconvene ang Comelec, na umuupo bilang National Board of Canvassers (NBOC), upang ipagpatuloy ang canvassing ng mga boto sa pagka-senador at party-list groups sa katatapos na midterm polls sa bansa.