May 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

Jessy Mendiola, proud pa rin kay Luis Manzano

Jessy Mendiola, proud pa rin kay Luis Manzano
Photo Courtesy: Jessy Mendiola (IG)

Naghayag pa rin ng suporta ang aktres na si Jessy Mendiola sa mister niyang si Luis Manzano sa kabila ng pagkatalo nito bilang bise-gobernardor ng Batangas.

Sa latest Instagram story ni Jessy nitong Martes, Mayo 13, ibinahagi niya ang quotation pubmat mula sa kaniyang IG post patungkol sa kung gaano kadambuhala ang Diyos kumpara sa pagkabagabag at gulo.

“I am nothing but a speck of dust in this vast universe the Lord has created. And, though my troubles may feel as enormous as the universe itself, I remember God is much bigger than all of it,” saad sa quote.

Sey naman ni Jessy sa text caption, “Still so proud of you [Luis Manzano]. I love you.”

Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya

“Happy mothers day Mama, we love you ” tugon ni Luis.

Matatandaang bagama’t nakalusot ang nanay niyang si Vilma Santos bilang gobernador ng Batangas, naungusan naman si Luis ni Dodo Mandanas na nakakuha ng 804,225 sa buong probinsya batay sa partial at unofficial result ng Commission on Elections (Comelec).