Ibinahagi ng aktres na Janice Jurado ang aberyang nangyari sa resibo ng kaniyang balota matapos bumoto sa Commonwealth Elementary School sa Quezon City.
Sa latest Facebook post ni Janice nitong Lunes, Mayo 12, idinetalye niya ang tila error sa resibo ng kaniyang balota.
Ani Janice, “Dito po commonwealth elementary,ang binoto ko na senators hindi lumabas ang nakalagay sa resibo,overvote.”
Dagdag pa niya, “[Sa] house of representative wala din,hindi kumpleto ang mga binoto sa resibo.12 binoto ko walang lumabas,bigyan ninyo ng pansin itong nangyayari na ganito,salamat po”
Bukod kay Janice, ibinahagi rin ng dalawang senatorial aspirants na sina Raul Lambino at Nars Alyn Andamo ang pagkakamaling lumitaw sa kani-kanilang resibo matapos bumoto.
MAKI-BALITA: Raul Lambino, ibang pangalan daw lumabas sa resibo ng balota
MAKI-BALITA: Nars Alyn Andamo, dismayado matapos maimbalido ang boto sa party-list