May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Darren Espanto, higit anim na oras bumiyahe makaboto lang

Darren Espanto, higit anim na oras bumiyahe makaboto lang
Photo Courtesy: Darren Espanto (IG)

Ibinahagi ni Kapamilya singer-actor at “It’s Showtime” host Darren Espanto ang kaniyang selfie matapos makaboto sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa latest Instagram post ni Darren ngayong Lunes ng umaga, Mayo 12, sinabi niyang higit anim na oras daw ang biniyahe niya makaboto lang.

“Drove 6 and a half hours to vote today! #Halalan2025,” saad ni Darren sa caption.

Umani naman ng reaksyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

"sasakses ang good governance todayyy!!"

" salute "

"Gogog Darren have safe byahe pauwi ha"

"Oh wow ang layo ng biyahe niyo! You truly exercised your right to vote! Be safe dear"

"so proud of you D! "

"Swerte naman ng mga taga-Bambang!"

"We love you, Darren! - Team Kiko"

Opisyal na nagsimula ang botohan ng alas-siete ng umaga ngayong araw at nakatakdang matapos mamayang alas-siete ng gabi.