May 10, 2025

Home BALITA Eleksyon

Heidi Mendoza walang pera pang-miting de avance, artistang maiimbita

Heidi Mendoza walang pera pang-miting de avance, artistang maiimbita
Photo courtesy: Heidi Mendoza (FB)

Nakiusap ang dating komisyuner ng Commission on Audit (COA) at independent senatorial candidate na si Heidi Mendoza na i-share na lamang ang kaniyang Facebook post para makahikayat ng mga botante, dahil wala raw siyang sapat na pera para makapagdaos ng "Miting De Avance" at makapag-imbita ng mga artistang mag-eendorso sa kaniya.

"Dahil wala akong pera para mag-pa meeting de avance, Wala ring mga artista na pwedeng maimbita, Pwede kaya Pa share na lang! Heidi Mendoza No. 45 po sa Senado," mababasa sa Facebook post ni Heidi.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Heidi na walang kulay ang korapsyon at walang personalan, "issue-based lang" kung sakaling mabigyan siya ng isang upuan sa Senado sa pamamagitan ng boto.

"Wala pong pinipiling kulay ang korapsyon. Walang personalan, issue-based lang. My loyalty is to our country, wala nang iba, as it should be."

Eleksyon

John Estrada, nadala nang bumoto ng matatalino at overqualified

"Tapat at independent kaya kahit kaninong kulay ka galing, subok at garantisadong tax mo ay babantayan ko! Sa May 12 po, #45 sa balota. Heidi Mendoza," aniya pa.