Ibinahagi ng actress-politician na si Angelika Dela Cruz ang pananakot umano sa kaniya at sa pamilya niya.
Sa isang Facebook post ni Angelika nitong Biyernes, Mayo 9, makikita sa larawang ibinahagi niya ang tatlong bala ng baril at sulat-kamay na mensahe.
“Angelika Dela Cruz, mapagpalang araw sa 'yo!! Umatras ka na sa laban ng Vice Mayor ng Malabon!! Kung hindi alam mo ang kahihinatnan mo at ng pamilya mo!!” babala kay Angelika.
Sey tuloy niya sa caption, “Siniraan , kinasuhan ngayon naman tinatakot anong kasunod ?!! Grabe na pati family ko dinadamay ninyo.”
Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Kapag may nangyari po sa inyo at sa familya nyo po, alam nyo na po kng sinong kagagawan."
"Ganyan po talaga ung mga taong hindi po marunong makuntento sa kung ano po meron sila"
"kung sino k man na nagbabanta kay mis angelika sana sau mangyari yng sinasabe m pati babae pinapatulan m lalo kng matatalo sa ginagawa m"
"Takot na takot sayo katunggali mo"
"ingat po Ms Angelika!"
"Ganito ka desperate Yung ibang candidate sa pinas kasi pana grabi ang kurakot sa panahon ngayun"
Matatandaang inalmahan ni Angelika kamakailan ang kasong isinampa sa kaniya ng Office of the Obudsman dahil umano sa pandarambong sa halagang hindi bababa sa ₱ 70 milyon.
Bukod dito, nahaharap din ang actress-politician sa kasong administratibo dahil sa pagpapabaya niya sa posisyon at pagpapasa ng kaniyang tungkulin sa kapatid niyang kagawad nang hindi awtorisado.
MAKI-BALITA: Angelika Dela Cruz, umalma sa plunder case na isinampa sa kaniya