May 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty
Photo courtesy: Screenshot from PDP-Laban (X)

Hinikayat ng mag-inang Honeylet Avanceña at Veronica "Kitty" Duterte ang mga botante na iboto sa darating na halalan ang action star at senatorial aspirant na si Philip Salvador, na nasa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sa maiksing video clip na ibinahagi ng PDP-Laban, makikitang kasama ni "Mr. Ipektibo" ang mag-ina ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, habang sila ay nasa isang tent, na nasa area din ng campaign sortie ng partido.

"Tito Philip 'Ipe' Salvador, #58 sa Senado, ipasok natin," saad ni Kitty.

Pagkatapos ay nagpakita sila ng kamao na trademark ni dating Pangulong Duterte.

Eleksyon

Pasig Bet Atty. Christian Sia, dinisqualify ng Comelec

Si Honeylet ang common-law partner ni Duterte at nag-iisang anak nila si Kitty.