May 04, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, nahiya nang makaharap si Daniel Padilla

Ogie Diaz, nahiya nang makaharap si Daniel Padilla
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Ibinahagi ni showbiz insider Ogie Diaz ang naramdaman niya nang magkita sila ni Kapamilya star Daniel Padilla sa ABS-CBN Ball.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Sabado, Mayo 3, sinabi niyang nahiya raw siya nang ilapit siya ni Karla Estrada sa anak nito.

“No’ng nilapit mo ako kay DJ [Daniel] parang ako ‘yong nahiya. Kasi parang ‘tingnan mo ‘to nag-eeffort si Mareng Karla para makapag-usap kami ni DJ.’ Pero si DJ talagang hindi pa handa no’ng gabing ‘yon,” lahad ni Ogie.

Matatandaang sa maraming pagkakataon ay si Daniel ang madalas na laman ng mga vlog ni Ogie simula nang umugong ang tsika tungkol sa hiwalayan ng KathNiel hanggang sa kinumpirma nga ito nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Relasyon at Hiwalayan

Jak Roberto, handa na muling sumugal sa pag-ibig?

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

Biro tuloy ni Karla, “Nakamagkano ka sa mga content mo sa akin? [...] Wala ka man lang pasaging, paprutas, ha.”

Gayunman, nilinaw ni Karla na tulad niya ay hindi rin naman daw nagtatanim ng galit sa mga taong nagbibitaw ng mga hindi magagandang salita patungkol sa kanila.

MAKI-BALITA: ‘Hindi nakakatuwa!’ Karla Estrada, nabuwisit kay Ogie Diaz