May 04, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jak Roberto, handa na muling sumugal sa pag-ibig?

Jak Roberto, handa na muling sumugal sa pag-ibig?
Photo Courtesy: Jak Roberto (IG)

Nausisa ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto kung handa na raw ba siyang magmahal ulit matapos ang hiwalayan nila ni Kapuso star Barbie Forteza.

Sa ulat ng GMA Entertainment noong Sabado, Mayo 3, sinabi ni Jak na pagtutuunan daw muna niya ang sarili at ang pagtuklas ng iba’t ibang negosyo.

“Wala muna siguro,” saad ni Jak. “Relax relax muna, gusto ko pang mag-discover ng iba't iba pang business. 

Dagdag pa niya, “Back on track na tayo sa pagwo-workout ulit. Medyo napu-frustrate ako lately, siyempre maraming pinagdaanan, stress eating, etc. Ngayon, game mode na uli.”

Relasyon at Hiwalayan

Robb Guinto, pinagtaksilan ng kaibigan at ex-jowa

Matatandaang bago tuluyang nagwakas ang relasyon nina Barbie at Jak noong Enero ay nagsama sila sa loob ng pitong taon.

MAKI-BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!