May 05, 2026

Home BALITA

2 Kano, nasawi sa engkuwentro sa Taboso—NTF-ELCAC

2 Kano, nasawi sa engkuwentro sa Taboso—NTF-ELCAC
Photo Courtesy: NTF-ELCAC (FB), 3rd Infantry Division via MB

Kinumpirma ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagkamatay ng dalawang Amerikano sa nangyaring engkuwentro sa Taboso, Negros Occidental.

Sa latest Facebook post ng NTF-ELCAC noong Sabado, Abril 25, kinilala ang dalawang indibidwal na sina Lyle Prijoles at Kai Dana-Rene Sorem.

Kasapi umano ang dalawa sa rebeldeng grupo. Ayon sa NTF-ELCAC, konektado na umano si Prijoles sa Anakbayan-USA noon pang 2012.

Sa tantiya ng ahensya, dumating sina Prijoles at Sorem sa Pilipinas noong mga huling bahagi ng Marso at tuluyang tumungo sa Negros Occidental kung saan sila inabutan ng kamatayan.

Matatandaang 19 ang nasawi sa naturang engkuwentro, kabilang na ang mamamahayag na si RJ Ledesma at political science student na si Alyssa Alano. 

Politics

Congressmeow, balik-Kamara na; umaasang 'di na siya masuspinde!

Nanawagan naman na ang Human Rights Advocates of Negros ng isang masusing imbestigasyon kaugnay sa nangyari. 

Kaugnay na Balita: Human Rights advocates, nanawagan ng imbestigasyon sa operasyon ng militar kontra NPA sa Negros  

Samantala, maghahain ng resolusyon sa Kamara si Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila De Lima para masiyasat at masagot ang maraming tanong hinggil dito.