Masayang ibinahagi ng Kapuso comedian na si Rufa Mae Quinto na dismissed na ang kasong isinampa laban sa kaniya, kaugnay ng reklamong 14 counts ng paglabag umano sa Section 8 of Securities Regulation Code, na isinampa laban sa kaniya ng 39 na katao sa Pasay Regional Trial Court.
Matatandaang noong Enero 9, 2025, kusang sumuko si Rufa Mae kasama ang legal counsel sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters dahil sa mga kasong kinahaharap niya, subalit napagbigyan naman siya ng piyansa.
Positibo naman si Rufa Mae na malalagpasan din niya ang mga kinahaharap niya, at idinaan pa nga sa biro ang lahat kahit ang totoo, emosyunal at kabado siya sa mga nangyayari.
Makalipas ang halos apat na buwan, heto't "Go, go, go" na ulit si Rufa Mae dahil na-quash na nga ang kaso niya; meaning, wala nang bisa ang conviction, subpoena, at warrant of arrest na isinampa laban sa kaniya noong una.
"FFF hooray! Na Quash na Case ! I’m free as a kite ! Malayang malaya !" mababasa sa kaniyang Instagram post.
"To GOD be the GO GO GLORY!"
"GO GROW GLOW !"
Nabanggit pa ni Peachy na nagpapa-fresh at pampering siya bilang paghahanda sa isang bago at malaking project.
"Iba din nagagawa kapag malaya sa kaso!" aniya.
"Salamat sa inyong lahat na naniwala at nag tiwala saakin !" pasasalamat pa niya.
Sa kaniyang X post naman, sinabi ni Rufa Mae na siya ay "free at alive."
"Maraming Salamat Sa naniwala saakin and yes , tapos na ang Kaso! I’m free and alive ! I love you all! Move on na tayo," aniya.

Sa kaparehong reklamo ay absuwelto na rin ang isa pang celebrity na si Neri Naig-Miranda na naugnay rin sa investment scam.
KAUGNAY NA BALITA: Rufa Mae Quinto umuwi ng Pinas, sumuko sa NBI
KAUGNAY NA BALITA: Go, go, go laban na 'to! Problema, kusang sumusuko kay Rufa Mae Quinto