Kinaaliwan ng mga netizen ang pangalan ng isang board passer ng April 2025 Registered Electrical Engineering Licensure Examination dahil sa kakatwa niyang pangalan.
Sa listahang inilabas ng Professional Regulatory Commission (PRC), kabilang sa 4,137 out of 6,741 (61.37%) na pumasa sa nabanggit na board exam si Andres Andres Andres (Andres³), na nasa pang-254.
Narito naman ang ilan sa mga nakatutuwang reaksiyon at komento ng netizens:
"Yung pinagkatuwaan ng parents yung pangalan ng anak nila hahaha."
"Hindi na nag-isip ng name hahahaha pero at least isahan na lang hahaha."
"Hahahahaha nakakaloka ang name soafer unique hahahaha.
"Parang tinamad na pag-isipan yung name hahahaha."
"Wow very unique hahahaha."
"(Andres)³ yata nickname niya hahaha."