Kinakiligan ng mga netizen ang isang video kung saan makikita ang hayagang paghalik sa lips ng negosyanteng si Atong Ang sa girlfriend niyang si Sunshine Cruz, habang nanonood sa sabungan.
Sa ulat ng Bilyonaryo, sinasabing matapos daw pakawalan ni Atong ang kaniyang panabong na tandang sa arena, agad daw siyang lumapit sa jowa at tinaniman siya ng halik sa mga labi.
Naghiyawan naman daw ang mga tao sa kanilang nasaksihan.
Sey naman ng mga netizen, mukhang si Sunshine ang pampasuwerte ni Atong sa nabanggit na sabong.
Matatandaang bukas na sa publiko ang kanilang relasyon matapos na umamin tungkol dito si Sunshine.
Hindi ito ang unang beses na hinalikan ni Atong si Sunshine sa publiko.
KAUGNAY NA BALITA: Kaya may pahalik! Atong Ang, kinumpirmang jowa na si Sunshine Cruz