May 21, 2026

Home BALITA

VP Sara sa mga hukbong dagat: 'Manatili kayong tapat!'

VP Sara sa mga hukbong dagat: 'Manatili kayong tapat!'
Photo Courtesy: Sara Duterte (FB), via MB

Nagpaabot ng mensahe si Vice President Sara Duterte para sa pagdiriwang ng Araw ng Hukbong Dagat ng Pilipinas. 

Sa latest Facebook post ni VP Sara nitong Miyerkules, Mayo 20, binati niya ang Philippine Navy sa ilang dekadang paglilingkod at katapatan ng mga ito.

Aniya, “Binabati ko ang ating Philippine Navy sa inyong ilang dekadang serbisyo at katapatan. Higit sa lahat, kinikilala ko ang inyong paninindigan para sa soberanya at integridad ng ating teritoryong pandagat.”

“Sa gitna ng mga hamon sa ating karagatan,” pagpapatuloy niya, “kayo ang nagsisilbing unang linya ng depensa. Hindi biro ang inyong tungkulin—ang protektahan ang ating teritoryo ay pagtitiyak sa kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino.”

Anang Bise Presidente, mahalaga umano ang papel na ginagampanan ng Philippine Navy sa pagbuo ng bansang malaya, mapayapa, at matatag.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Kaya naman hinimok niya ang hukbo na ipagpatuloy ang pagseserbisyo nang may integridad at katapangan. 

“Manatili kayong tapat sa inyong sinumpaang tungkulin, at sa ating saligang batas anuman ang pagsubok na inyong kaharapin sa gitna ng laot,” dugtong pa ni VP Sara.

Ipinagdiriwang taon-taon ang Araw ng Hukbong Dagat ng Pilipinas tuwing ika-20 ng Mayo para alalahanin ang pagkakatatag nito noong 1898.