April 28, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao finollow na ulit ang isa’t isa

Cristine Reyes, Marco Gumabao finollow na ulit ang isa’t isa
Photo Courtesy: Marco Gumabao (IG)

Tila litong-lito na ang mga marites ng social media tungkol sa real-score ng celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.

Kamakailan lang ay lumutang ang intrigang hiwalay na ang dalawa matapos mapuna ng ilang netizens na naka-unfollow sina Cristine at Marco sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa

Ngunit hindi pa man natatagalan mula noon ay naka-follow na ulit ang dalawa sa isa’t isa. Kapag binista ang IG account ni Marco, makikitang nasa following list na niya si Cristine at gayundin naman ang huli. Makikita sa following list nito ang pangalan ni Marco.

Tsika at Intriga

Siwalat ni Jackie Foster: Kyline Alcantara, pinipisikal daw si Kobe Paras

Minsan na ring lumutang ang intrigang hiwalay na sina Cristine at Marco last year.

Matatandaang Agosto 2024 ay tinadtad si Marco ng tanong mula sa mga netizen kung sila pa raw ba ni Cristine matapos mapansing wala ang huli sa birthday celebration nito. 

MAKI-BALITA; Marco Gumabao, tinadtad ng tanong kung sila pa ni Cristine Reyes

Pero naapula rin ang intrigang hiwalay na sila nang ibahagi ni Cristine ang sweet photos nila ni Marco.

MAKI-BALITA: 'Sila pa naman:' Cristine, Marco pinakaba lang ang netizens